Pilak na Kutsara sa Bibig ng Bata


Tanong:
Saan nagmula ang kasabihang “Siya ay ipinanganak na may pilak na kutsara sa kanyang bibig”?

Sagot:
Ang totoo, ang kasabihang nabanggit mula sa itaas ay nagmula sa isang matandang kaugalian ng mga ninong at ninang na nagreregalo sa kanilang mga inaanak ng pilak na kutsara sa pagsapit ng binyag ng bata.

Ang regalong pilak na kutsara ay sumasagisag sa kanilang responsibilidad sa paglaki ng bata at sa maayos na paggabay dito. Kung ang batang binibinyagan ay mula sa isang mayamang pamilya, karaniwan ang regalong kanyang matatanggap ay pilak na kutsara. Bagkus, kung ang bata  naman ay mula sa isang maralitang angkan, madalas nakakatanggap ito ng kutsara na gawa sa tanso.

Mula noon, kapag ang bata ay nakatanggap ng pilak na kutsara bilang regalo sa kanyag binyag, siya ay itinuturing na “ipinanganak na may pilak na kutsara sa kanyang bibig”. Ang ibig sabihin, siya ay isinilang sa marangyang pamumuhay at hindi na nito kailangang magtrabaho sa kanyang paglaki para kumita ng pera.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s